bc

Please Be Mine

book_age12+
907
FOLLOW
2.4K
READ
teacherxstudent
sensitive
student
sweet
bxg
campus
first love
school
teacher
like
intro-logo
Blurb

Alodia Mari-Antoine was a college student while Neil Robin was a young professor. Kung attracted na agad si Alodia sa gwapong propesor, well, hindi siya nag-iisa. Crush ng halos lahat ng kolehiyala si Neil. Walang balak magpasapaw si Alodia sa iba. Kaya gumawa siya ng hakbang para sabihin sa binata ang tunay na nararamdaman niya.

Pero, sorry na lang siya. Dead-ma sa kanya si sir.

Sa sobrang sama ng loob niya at pagkapahiya na rin, umalis siya hindi lang sa unibersidad na iyon. Nagpunta siya sa Amerika at doon ipinagpatuloy ang pag-aaral. At wala na rin sana siyang balak na magbalik pa kahit na nang maka-graduate siya.

Pero hindi niya matitiis ang sariling ama na naglalambing sa pag-uwi niya. At isang sorpresang malaman na ang taong dahilan kung bakit ayaw na sana niyang magbalik pa ay kadikit pala ng kanyang ama. At ngayong nagbalik na siya, halatang-halata naman niyang attracted sa kanya si Neil.

Puwes, manigas ka ngayon. Wala na akong gusto sa iyo, saloob-loob niya.

Kaya?

chap-preview
Free preview
1
“TITA Toni, don’t forget to call me as soon as you get there, okay?” Hindi na maisip ni Alodia kung pang-ilang beses nang binanggit sa kanya iyon ng pamangkin niyang si Ingle. Hanggang sa papunta na siya sa departure area ng airport ay kinukulit pa rin siya nito. “At huwag mo ring kalilimutang ikumusta ako sa papa mo, ha?” sabi naman ng best friend niyang si Jullie. “At sa daming beses ba naman ng kasasabi ninyo ng mga `yan sa akin ay makakalimutan ko pa?” naiiling-natatawang turan niya sa dalawa. “Kung hindi ko pa alam,” kunwa ay irap ni Jullie. “Baka sa isang sulyap mo lang sa isang tao roon ay mawala na sa tamang huwisyo ang utak mo.” “Hay, naku, puwede ba, Jullie? I don’t want to hear about that anymore,” saway niya. Binitbit na niya ang dalawang hand-carry bags at tumalikod na. Nalingid na sa kanya ang makahulugang pagtitinginan ng dalawa. “WELCOME home, hija.” Mahigpit ang yakap sa kanya ng amang si Don Antonio de la Rosa. Ilang taon nga ba siyang namalagi sa America? Kulang na walo. At hindi na sana niya gugustuhing bumalik pa sa Pilipinas kung hindi nga lang masyadong mahina na ang kanyang ama para pamahalaan ang kompanya. “Kumusta ka na, Dad?” Niyuko niya ito at hinagkan sa noo. Kagagaling lang nito sa isang mild stroke at pinayuhan ng doctor na mas makabubuting hindi muna nito lubos na pagurin ang sarili. “I’m fine, hija. Napakagaling ng doctor ko. He visits me every afternoon pagkatapos ng schedule niya sa ospital.” “Mabuti kung ganoon. Ah, Dad, I hope you won’t mind, but I didn’t have a good sleep kanina sa eroplano. Gusto kong makabawi.” “By all means, hija. Ako na ang bahalang magpaakyat sa mga maleta mo.” Isinenyas pa nito ang kamay pataboy sa kanyang umakyat na sa dati niyang silid. She nodded at tumalikod na. “Toni,” pahabol na tawag nito. Toni. Hindi lang ang buhay niya ang nabago sa maraming taong pananatili niya sa America. Kinalimutan na niya ang pangalang “Alodia.” Ang tanging best friend niyang si Jullie—na nang maka-graduate ay tinulungan niyang makahanap ng mapapasukang ospital sa America—ang hindi niya napasunod para tawagin siyang “Toni.” Sa lahat ng mga kaibigan niya sa ibang bansa ay ito lang ang iba ang tawag sa kanya. Back then, how many times did she try to be called “Alodia” by a special man but who insisted on addressing her “Miss de La Rosa?” “What is it, Dad?” Inalis niya ang isip sa pagbabalik ng alaala. “I wish you’d come down para sa hapunan,” puno ng antisipasyong wika ng don. “Walang problema, Dad. Kung mahihimbing ako ng tulog ay ipakatok mo ako kay Manang Juana.” “Sige na, hija,” taboy muli sa kanya ng ama. “At mamaya ay iimbitahin ko ring sumalo sa atin si Doc. Madalas kitang banggitin sa kanya at nasasabik na rin siguro siyang makita kang muli. Naging teacher mo si Neil noon, hindi ba?” Wala sa loob na tumango na lang siya at mabibigat ang mga paang pumanhik na. Neil. Sa isang pagbanggit ng pangalan nito ay nakumpirma kaagad na hindi ito nawala sa puso niya. Akala niya noon ay nakalimutan na niya ito. Walong taon. Subalit marahil ay lubhang malalim ang pagkakaukit ng pangalan ng lalaki sa kanyang puso. “ANO ba’ng in demand na course ngayon? Nursing or Computer Science? Pero ang sabi ni Dad, kung puwede raw ay related sa business para hindi ako mahirap turuan by the time na i-turn over sa akin ang business niya,” nakatitig sa kisameng wika ni Alodia. “Ano ka ba naman, Alodia? Hanggang ngayon ba naman ay hindi ka pa rin decided kung anong course ang kukunin mo? Enrollment na sa Lunes,” nagbubusang wika ni Jullie, ang best friend niya, na umiikot pa ang itim ng mga mata nito. Nasa tagiliran ito ng malaking kama niya at nakahalukipkip na nakatunghay sa kanyang pagkakahiga. “Ano pa ba naman ang dapat kong ipag-alala?” Tumagilid siya paharap sa kaibigan. “Kung hindi man ako mag-enjoy sa course na kukunin ko, eh, di mag-si-shift ako sa ibang course sa susunod na sem. Problema ba iyon?” Tumaas ang isa niyang kilay. “Hay, naku! Katuwiran ng mga mayayaman. Palibhasa’y hindi nanghihinayang sa pera. Diyan ka na nga, Alodia. Tutulungan ko pang magsara ang nanay ko ng tindahan. Friendly advice lang, kung hindi ka nanghihinayang sa pera, sa panahon ka manghinayang. Baka nakuha mo na’ng lahat ng kurso ay hindi ka pa rin decided kung ano talaga ang gusto mo.” “Ikaw, talaga bang gusto mong maging nurse?” tanong niya rito. “Siyempre. Dahil gusto kong mag-abroad para mapadalhan ko ng dollars ang nanay ko at buhay-donya na lang siya. Sige na, babay na.” “Pahatid ka na kay Mang David,” pahabol niyang sabi nang tumalikod na ito. Inabot niya ang intercom sa tabi ng kama niya at binilinan ang personal driver na ihatid ang kaibigan sa tindahan ng biyudang ina nito sa Tutuban. Kagaya niya, solong anak din ito. Nang mapag-isa ay ang kukuning kurso pa rin ang pinagbuhusan niya ng isip. Kalahatian pa lang ng huling taon nila sa high school ay busy na sila ni Jullie sa pagpapasa ng application forms sa iba’t ibang university at pagkuha ng schedule ng entrance exams. Kung ano-anong course ang mga inilagay niya sa mga form, partikular na ang mga laging inie-enroll ng mga incoming college students. At ngayon nga ay ilang araw na lang at enrollment na. Pinili niya ang eskuwelahang kung saan mag-e-enrol si Jullie ay doon na rin siya. “Nursing na lang din!” naipitik ang mga daliring wika niya sa sarili. “At least, hindi kami magkakahiwalay ni Jullie. Tutal naman ay pasado rin ako sa entrance exam.” Excited niyang dinampot ang awditibo ng telepono para ipaalam sa kaibigang nakapagdesisyon na siya nang maalalang kaaalis lang nito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.0K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
29.9K
bc

His Obsession

read
104.0K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

The naive Secretary

read
69.6K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook