bc

To Have and To Hold, From This Day Forward (Wedding Vows)

book_age16+
849
FOLLOW
2.6K
READ
contract marriage
independent
boss
drama
tragedy
sweet
bxg
small town
teacher
like
intro-logo
Blurb

To Have And To Hold

Hindi kilala ni Maurin si Vince Hidalgo. Pero isang araw, basta na lang dumating ang lalaki sa apartment niya. Nang makita ito ay isang salita lang ang kanyang naisip: wonderful!

Ipinagpipilitan ni Vince na kasalanan niya ang isang aksidenteng nangyari eight months ago. He was a thirty-four-year-old widower at ang kaisa-isang anak nito ay namatay pa sa aksidenteng iyon.

Vince wanted her to pay for it. Ayaw ni Maurin na mademanda. She was a teacher at reputasyon niya ang nakataya. Hindi rin naman balak ni Vince na dalhin pa sa korte ang problema. There was only one solution in his mind.

"You killed my son," sabi nito na puno ng akusasyon. "You must bear me another son."

From This Day Forward

Theirs was a whirlwind romance. Nasa kanila na yata ang titulong "Shortest Engagement of the Entire Romance History." Pakiramdam ni Kristel ay wala nang pinakatama pang gawin kundi ang pumayag sa alok na kasal ni Alex. They both fell in love with each other in almost an instant. At hindi nga sila nag-aksaya ng sandali. Nagpakasal sila Soon they discovered each other's fault. Iniwan ni Kristel si Alex sa farm sa pag-asang susuyuin siya nito at hihimuking bumalik doon. Subalit nagkamali siya iba ang naiuklasan niya Alex was busy seeing his childhood sweetheart.

Alex is mine! protesta ng puso niya.

chap-preview
Free preview
To Have And To Hold - Prologue
"Ayoko na. Uuwi na ako," sabi ni Maurin. Namumungay na ang kanyang mga mata sanhi ng ilang boteng beer na nainom. "Maaga pa," sabi naman ng kaibigan niyang si Annalor. "Sabado bukas. Walang pasok. Dito ka na matulog." Umiling siya. "Marami akong gagawin bukas. I have to go." Tumayo na siya para mapanindigan ang kagustuhang umuwi. Naramdaman niya ang pagbuway ng kanyang katawan. Umungol si Kristel habang papunta sa bar. "Ayaw mong papigil. Minsan-minsan na nga lang tayo magkita." Isang bote ng alak ang binuksan nito. Bago pa narating ni Maurin ang pintuan ay naiabot na ni Kristel sa kanya ang baso ng alak. "Just one last shot," pakiusap nito. Naiiling na tinanggap niya ang baso. At least, hindi na siya kokonsiyensiyahin pa para lang pigilang umalis. Dati, nangongonsiyensiya pa ang mga kaibigan para pagbigyan niya ang imbitasyong doon siya magpalipas ng gabi. "Ba-bye na sa inyong dalawa," sabi ni Maurin na halatang lasing na. Nakipagbeso sa kanya si Kristel habang si Annalor ay tango lang ang isinagot. "Ingat!" nagkasabay pang sabi ng mga kaibigan. Kumaway si Maurin bago tuluyang lumabas ng pinto. Hinagilap niya sa bag ang susi ng old model Toyota Starlet habang pasuray-suray na lumalapit sa kinapaparadahan ng kotse. Dalawang beses pa siyang sumubok bago naipasok sa keyhole ang susi. Pabagsak siyang naupo sa driver's seat. Ilang minuto pa siyang sumandal bago binuhay ang makina ng sasakyan. Nahihilo si Maurin. Gusto niyang pagalitan ang sarili dahil kasalanan din naman niya kung bakit nararamdaman ang ganoon. Once a month ay nagkikita-kita silang magkakaibigan. Sila na ang magkakabarkada mula pa noong high school. At nang pare-pareho na silang nagkatrabaho ay ginawan nila ng paraan na patuloy na magkasama-sama kahit sandali lang. Ang town house ni Kristel ang madalas na meeting place nila. Nasa sentro iyon dahil ito ang may corporate job sa Makati. Annalor was a businesswoman at sa Cavite matatagpuan ang negosyo. Si Maurin naman ay sa Malolos pa umuuwi. Nitong huling dalawang buwan ay hindi nakarating si Maurin. Masyado siyang busy dahil pasukan sa eskuwelahan. Maraming meetings ang dapat niyang daluhan bukod pa ang responsibilidad niya bilang grade one teacher sa isang montessori. Ang nangyari ay pinagbayad siya ng mga kaibigan. She was forced to drink more than she normally could. Magkahalili ang beer at alak. Iniwasan ni Maurin na uminom ng alak dahil mas malakas umepekto iyon sa kanya kaysa sa beer. Ilang sandali pa niyang pinakiramdaman ang sarili. Nang matiyak na kaya niyang magmaneho ay binuhay na niya ang makina. Ilang sandali pa at nasa highway na siya. ***** "DADDY, I'm so tired!" reklamo ng pitong taong gulang na si Raphael. He was complaining pero hindi makikita sa ekspresyon ng mukha. His face was cheerful. At kahit pagabi na ay masigla pa rin ang bata. Masuyong ginulo ni Vince ang buhok ng kanyang anak. "Sa backseat ka na, son. Malayo pa ang biyahe. Mabuti pang matulog ka muna." "No. Sa tabi mo ako, Daddy." Binuksan na ni Raphael ang pinto sa front passenger seat. Napailing na lang si Vince nang isuot ng anak ang seat belt nito. "Paano, Gene?" sabi niya sa lalaking nakatingin lang sa kanilang mag-ama. "Aalis na kami. Salamat." "Ako ang dapat na magpasalamat sa iyo, Vince. Pinagbigyan mo ako kahit malayo itong amin." Ngumiti siya. "See you on Monday." Nagpalitan lang sila ng kaway at sinimulan na ni Vince na paandarin ang kotse. Malayo talaga ang Malolos, lalo at sa Quezon pa sila uuwi. Talaga nga lang mahigpit ang imbitasyon ng kanyang kaibigan kaya nagpaunlak siya. Gene was his friend in college. Hindi man sila naging magkaklase, palagi naman niya itong kasama tuwing vacant period. At sa paglipas ng mga taon ay naging matalik silang magkaibigan. Palabas na sila ng subdivision na tinitirhan ni Gene nang mapansin ni Vince na tahimik na si Raphael. Nakasandal na ang bata sa gawi ng pinto ng kotse. Itinabi niya ang sasakyan at ini-adjust ang recliner. Nang matiyak na komportable na ang anak ay saka niya binalikan ang manibela. Tiningnan niyang muli si Raphael. hindi niya napigilang mapabuntong-hininga. Raphael was the male version of his wife, Katy. Tuwing nakikita niya ang anak ay nakikita rin niya ang mukha ni Katy. His eyes were brown. Mahahaba ang pilikmata at ipon ang malalagong kilay. His nose was perfectly straight. At maninipis ang mga labi. Maumbok ang mga pisngi ni Raphael kahit hindi naman katabaan. At ang buhok ay unat na unat. Parang may pumiga sa puso ni Vince. There was no doubt he was Katy's son. At ang bata lang ang nag-iisang iniwang alaala ng kanyang asawa. His wife died giving birth to Raphael. At isang malaking panghihinayang para kay Vince na hindi man lang nakita ng kanyang asawa ang kanilang anak bago namatay. Pitong taon na ang nakalipas. At mula noon ay wala nang ibang inikutan ang buhay ni Vince kundi ang trabaho sa hacienda at ang pagpapalaki kay Raphael. At isang consolation sa kanya na sa batang edad ng anak ay kinakitaan na niya ito ng pagmamahal sa mga manggagawa sa hacienda. Interesado si Raphael sa araw-araw na buhay sa hacienda. Kapag panahon ng pamimitas ng mangga ay nakikibilang ito sa mga nagpupuno ng tiklis. Hindi rin mapaalis kapag nagpapaanak sila ng mga baka. Isang tipid na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Vince. Dahil kay Raphael ay hindi niya gaanong ininda ang pagkawala ni Katy. He devoted his life to his son. To his heir. Sinulyapan niya ang bata. Payapang-payapa ang pagtulog nito. He looked so innocent pero alam ni Vince na hindi magtatagal, si Raphael naman ang magtataglay ng kapangyarihan para pamahalaan ang hacienda. Nang ibalik ni Vince ang atensiyon sa kalsada ay napakunot ang kanyang noo. Isang kotse ang pasalubong sa kanya. The driver was overtaking at wala naman sa lugar. Walang-dudang wala sa tamang huwisyo ang driver. Umeekis-ekis ang takbo ng sasakyan. On instinct, he shifted gear at tinumbok ang rampa. Iyon ang pagkakamali ni Vince. Hindi niya kabisado ang daan at nahulog ang isang unahang gulong ng kanyang kotse sa gilid na mas mababa sa level ng kalsada. At bago naisampang muli ang sasakyan ay nawala na sa control niya ang manibela. ***** NAPASIPOL nang malakas si Maurin. Akala niya ay katapusan na niya. Alam niyang mahigit one hundred kilometers per hour ang pagpapatakbo niya ng kotse kahit nakalabas na ng expressway. Ang nasa isip niya ay ang makauwi na. Hilong-hilo na si Maurin. Wala nang tatlong kilometro ang tatakbuhin niya at makakauwi na siya. Ang nasa isip lang niya ay ang makauwi. Kung puwede lang na paliparin ang sasakyan ay ginawa na niya. Isang mabagal na truck ng buhangin ang sinusundan niya. Inis na inis na siya dahil iyon ang nagpapabagal sa kanyang pag-uwi. Nang makakita ng tiyempo ay nag-overtake siya. Pero umatake ang hilo ni Maurin at nawala ang concentration sa manibela. Nang makabawi ay nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang sasalpok siya sa kasalubong na kotse. Bahagya siyang pumikit at hinintay ang ingay ng pagsasalpukan ng bakal sa kapwa bakal. Sa halip, rumampa ang kasalubong niyang kotse. Nakahinga nang maluwag si Maurin. Bumalik siya sa tamang linya at pinaharurot pa rin ang sasakyan. Pero isang malakas na busina ng truck ang nagpawala sa natitira niyang composure. Nakabig niya ang manibela. Nabangga siya sa isang puno. At ilang sandali pagkatapos niyon ay nawalan siya ng malay. ***** ALAM ni Vince na babangga sila. Inabot niya ng isang kamay si Raphael habang sa isang kamay ay pilit na ibinabalik ang control ng manibela. Huli na para sa kanyang pagsisikap. Nakita niya mismo ang pagbangga nila sa pader. And at its worst, hindi matibay ang pader kaya gumuho iyon at sa kotse rin nalaglag ang nagkapira-pirasong hollow blocks. Basag ang windshield. Ramdam ni Vince na may tumalsik na bubog sa kanyang mukha at balikat. Pero manhid ang kanyang pakiramdam sa sakit. Ang atensiyon niya ay naka-focus sa kung paano mapoprotektahan ang anak. "Raph, anak," bulong ni Vince habang kinakalas ang seat belt nito. Tulog pa rin si Raphael at parang walang kamalay-malay sa nangyari. Nailabas niya ng kotse ang bata. May bumundol na kaba sa kanyang dibdib nang maramdamang kakaiba ang bigat ng anak. At nang tingnan uli niya ay lumungayngay ang ulo nito. Gumapang ang nakapangingilabot na lamig sa kanyang buong katawan. "Raphael..." bulong niya pero naroroon ang hindi maitangging takot. "Raphael. No!"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Nerd Wife Felicie.MATURE CONTENT. (TAGALOG ROMANCE)SPG

read
113.6K
bc

OSCAR

read
248.2K
bc

Mistaken Identity Tagalog Story

read
69.5K
bc

Mr. Miller: Revenge for Love -SPG

read
316.8K
bc

The Jerk and The Transgender (Hot Trans Series #1)

read
58.6K
bc

The Last Battle

read
4.0K
bc

WAYNE CORDOVA

read
484.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook