bc

High School Flame (Class Picture Series)

book_age16+
503
FOLLOW
1.3K
READ
goodgirl
drama
bxg
highschool
first love
athlete
classmates
like
intro-logo
Blurb

"Masisisi mo ba ako kung ngayong nagkita uli tayo, ayoko nang maghintay pa ng matagal na panahon para tuluyan ka nang maging akin?"

Walang hindi nakakaalam sa pagmamahalan nina Joanna Marie at Lemuel noong high school. Pero dahil sa mga hindi nila kontroladong pangyayari ay nagkahiwalay sila.

Sa loob ng mahigit isang dekada, hindi alam ni Joanna Marie kung naaalala pa rin ba siya ni Lemuel kahit paano. Dahil kung siya ang tatanungin, hindi nakalimot ang puso niya. Patuloy niya itong minamahal.

At ngayong dumating ang pagkakataon na muli silang magkakaharap, madudugtungan kaya ang pag-ibig nila sa kabila ng mga hindi magandang pangyayari noon?

chap-preview
Free preview
1
“ALEJO! Ting!” halos patiling tawag ni Amor nang makita ang mga dating kaklase na nakaabang na sa pagdating nila. Hindi pa man tuluyang humihinto ang sasakyan ay inalis na niya ang lock niyon. “Maghintay ka naman nang kaunti,” sabi ni Joel sa kanya. “Mukha ka namang hindi aabutan. Hindi mo ba nakita na talagang nakaabang sa atin ang mag-asawa?” Inirapan niya ang asawa. “Pakialam mo ba? Sa excited ako, eh!” “Excited ka nga. Kung madapa ka naman diyan? Baka mamaya, mabiyak pa ang nguso ng magiging anak ko.” Umungol siya. “Papayag ba naman akong mapahamak ang ipinagbubuntis ko?” “Padalus-dalos ka kasing kumilos,” sabi nito, mababa na ang boses. Bumuntong-hininga si Amor, ipinahalatang napikon siya. “Now, puwede na tayong bumaba,” ani Joel pagkatapos ihinto ang sasakyan. “Mauna na ako. Hintayin mong alalayan kita.” Bumuntong-hininga uli siya at sinabayan pa iyon ng irap. Mabilis namang nakaikot sa gawi niya ang asawa. Pero nabuksan na niya ang pinto at talagang bababa na rin siya. “Careful,” sabi nito nang sumabit ang isang paa niya. “Ikaw naman kasi, eh. Tinatrato mo akong imbalido. Buntis lang ako, `no,” angil niya. “Kung iyan ngang inaalalayan ka, natitisod ka, iyon pa kayang papabayaan kita? Baka mamaya, bumulagta ka na lang diyan,” sagot nito. “Mukhang ibang klase kayong maglambingan,” naaaliw na sabi ni Fatima Mae sa kanila nang makalapit ito kasama ang asawang si Alejo. “Ito kasi, eh. Ayaw magpaalalay, clumsy naman,” parang batang sumbong ni Joel. “Paano naman ako hindi magiging clumsy, lagi ka na lang nakabantay sa akin? Nako-conscious na tuloy ako sa kilos ko,” nakairap na sabi niya. Tiningnan siya ni Joel, saka ito tumawa, pagkatapos ay hinapit siya sa baywang. “Huwag ka nang umirap. Baka mamaya, ma-absorb pa ng baby natin iyang pag-irap mo, pumangit tuloy. Alam mo namang concerned lang ako sa inyo ni Baby.” Hinalikan siya nito sa sulok ng mga labi. “Amor, mamaya na tayo mag-away uli,” pabulong na sabi nito. “Sa kama.” “Tse!” kunwari ay pagsusuplada ni Amor pero tumawa na rin siya. “Pumasok na tayo sa loob. Lalamig ang pagkain,” masiglang sabi ni Ting. “Ah, okay iyan. Kaya nga kami nagpunta rito, para diyan,” pabirong sabi ni Joel. “Hanggang ngayon, pare, maloko ka pa rin,” sabi ni Alejo. “Iyan ang sekreto ko kaya mukha pa rin akong high school. Tingnan mo ang hitsura mo, mukha ka nang tatay ko. Masyado kang serious.” “Hindi, ah!” Si Ting ang kumontra. “Bumata na nga iyan dahil iba akong mag-alaga. Kung nakita mo siguro si Alejo dati, baka ako pa mismo ang magsabi sa iyo na ang tanda ng mukha niyan.” “Sige lang, pagtulungan ninyo ako,” tatawa-tawang sabi ni Alejo. Bumaling ito sa kanya. “Kumusta, Amor? Malapit ka nang maging mommy, ah.” Ngumiti siya. “Aba, hindi lang ako ang may kasalanan dito. Iyang lalaking iyan, sobra!” Itinuro niya ang asawa. “Daig pa ang nagba-Viagra.” Humagalpak ng tawa si Joel. “Excuse me. Natural itong sa akin. Hindi ko kailangan ng kahit na anong supplement.” Pagkatapos ay ginitgit nito kunwari si Alejo. “Actually, goal ko talaga iyan. Ayaw kasing humintong magtrabaho, eh. O, iyan, nang mabuntis, wala na siyang choice. Taga-Sierra Carmela na uli siya.” “Ah, ganoon pala ang style,” tumatangu-tangong sabi ni Alejo. “Ting, effective kaya `yon kung gagayahin ko?” Pinanlakihan ito ng mga mata ni Fatima Mae. “Kahit kambal pa agad ang ipagbuntis ko, mukhang malabo, Alejo. Alam mo naman ako, pang-CEO ng Tiongco Group of Companies,” parang nagyayabang ang tono nito pero halatang nagbibiro lang. “Magaling ako sa sales, Ting. I-pirate mo ako sa kompanya ni Joel,” sabi naman ni Amor. “Naku! Baka hindi ko kaya ang rate mo,” sagot nito. “Aba, mahal kong asawa, pinakamasarap na ang buhay mo sa kompanya ko, ah.” Sinulyapan siya ni Joel bago binalingan ang mag-asawa. “Saan naman kayo nakakita, pumupunta lang iyan sa opisina kung kailan niya gusto. Pagdating sa office ko, hindi naman magtatrabaho, aabalahin pa ang boss, magpapabili ng kung anu-ano. May mansanas naman sa supermarket, mas gusto pang dumayo ako sa ibang bayan.” “Eh, sa naglilihi ako, ano’ng nirereklamo mo?” angil niya sa asawa. “Five months na ang tiyan mo, Amor, naglilihi ka pa rin?” “Anak mo naman ito, ah!” Ngumisi si Joel. “Ah, talaga. Papayag ba naman akong iba ang tatay niyan?” Eksaherado ang ginawa nitong pagbuntong-hininga at minsan pa siyang hinapit sa baywang. “Seriously, guys, mahal na mahal ko ito, eh.” Itinirik ni Amor ang mga mata na parang nako-corny-han sa narinig pero maligayang-maligaya naman siya. Tumikhim si Alejo. “Ako man, ah. Mahal na mahal ko ito, eh.” Hinalikan pa nito sa pisngi si Fatima Mae. Si Ting naman ang umarteng nagkandaubo. “Let’s eat. Mukhang gutom lang iyan,” kantiyaw nito kahit halata sa mukha na masayang-masaya rin. “CLASS reunion? Why not?” sabi ni Fatima Mae. Nagkatinginan sina Joel at Alejo at sabay na napailing. “Akala ko si Amor lang ang obsessed na magkaroon ang batch natin ng reunion. Si Ting din pala,” ani Joel. “Kung alam n’yo lang. Takot si Ting sa class reunion pero nang magpakasal kami, nag-iba ang ihip ng hangin. Hindi yata siya makapaghintay na i-announce sa buong Sierra Carmela na pinikot niya ako,” sabi naman ni Alejo. Inirapan ni Fatima Mae ang asawa. “Excuse me, husband. Hindi kita pinikot.” “Talaga, ha? Sino kaya `yong may crush sa akin mula pa noong high school?” pang-aasar pa ni Alejo. Tumikhim si Joel. “Ang lagay pala, para ka ring si Amor? Noon pa, pinagnanasaan na ang kakisigan ko?” Tumawa si Amor. “Discreet ako, Joel. Wala ka ngang nahalata kung hindi pa ako umamin.” “Mismo!” natatawang sang-ayon niya. “Wala rin namang idea si Alejo na may gusto ako sa kanya noon pa. Sobrang honest nga lang ako kasi inamin ko pa.” Tumikhim si alejo. “Iba na kasi kapag guwapo, `di ba, Joel?” Hinaplos ni Joel ang sariling mukha. “Magsasalita pa ba ako? Nakikita naman ang ebidensiya.” “Let’s talk about the reunion,” seryosong sabi na niya. “All right. What’s your idea, Ting?” tanong ni Amor. “I want a grand reunion.” Umiling si Alejo. “Baka hindi maging interesado ang ibang kaklase natin kapag engrande ang reunion. Siyempre, hindi maiiwasan na ma-insecure ang iba. Hindi naman buong batch, naging successful. Iyong iba, ni hindi nakatuntong sa college.” “Kung get-together na lang kaya muna?” ani Joel. “It’s been years,” sabi niya. “Delayed na iyon for a get-together party. Ginagawa lang ang ganyan kung nasa college pa tayong lahat. Naisip ko, magsimula na tayo na kontakin ang mga classmates natin. Ang importante lang naman, iyong makarating silang lahat sa date na mapapagkasunduan natin. Iyong venue pati food, kahit kami na ni Alejo ang mag-shoulder.” “Magshe-share kami,” maagap na sabi ni Joel. “Thanks. So kailan ba natin puwedeng gawin ang reunion?” “December,” sabi ni Amor. “`Di ba, usually, nag-uuwian sa probinsiya ang lahat kapag holiday season?” “September na ngayon,” ani Alejo. “Mahaba nang preparation iyong less than four months. Kami na ni Amor ang mag-iisip ng program. Kayong mga lalaki, bahala kayo sa gastos,” ani Fatima, sabay ngisi. “Saan ang venue?” tanong ni Amor. “Malaki itong place namin,” ani Alejo. “Puwede ring beach party ang gawin natin, tutal beach naman itong likuran ng bahay.” “Perfect!” masayang bulalas ng babae. “So kailan sa December?” tanong ni Joel. “Hanapin muna natin ang mga classmates natin,” sabi niya. “Siguro kapag may na-contact tayo na mga ten or fifteen sa kanila, magkaka-idea na tayo kung kailan sa December natin gagawin ang reunion. Pero siguro, pagkatapos na ng Pasko.” “Puwede,” anang asawa niya. “Simulan na nating kontakin mga classmates natin.” “Sandali.” Lumabas si Joel at nang bumalik ay may dala nang yearbook. “Alam ko namang class reunion ang agenda ng foursome date natin ngayon, eh. Here, gamitin natin itong reference.” “How about the invitation?” tanong niya. “May idea ako diyan. What if ipa-scan natin iyong class pictures natin? Iyong Sepia style, then gawin nating background ng invitation,” sabi ni Amor. Mabilis siyang tumango. “Maganda. Sentimental ang dating.” “Para namang lolo’t lola na tayo `pag ganoon. Hindi pa naman tayo ganoon katanda, ah,” kontra ni Joel. “Iyong black and white, pang-panahon ng mga lolo’t lola natin iyan.” “Ano ka ba, mahal kong asawa? Panahon na ngayon ng digital photography. Kahit black and white at sepia ang picture, mas maganda ang dating kasi parang ni-restore!” “Guys,” ani Alejo. “Remember Lemuel Crisostomo?” Napansin nila na nakatingin na ito sa isang pahina ng yearbook. “Ang tanong, may hindi ba nakakakilala kay Lemuel?” nakangising sagot ni Amor. “Saka basta sinabi mo ang pangalan ni Lemuel, automatic nang kadugtong ang pangalan ni Joanna Marie. Oo nga pala, nakita ko dati si Joanna Marie. Siguro mga six months ago.” “Kumusta na sila?” napukaw ang interes na tanong niya. “Hindi yata sila happy ending. May address ako ni Joanna Marie. Kokontakin ko siya, tutal nasabi ko na rin sa kanya noon na may balak akong mag-organize ng reunion natin.” “Importante iyan. Alam n’yo bang wala na rito sa Sierra Carmela ang buong pamilya ni Joanna Marie? Pagkatapos nilang magtanan noon ni Lemuel, binawi siya, then nag-migrate yata sa America. Mabuti, nandito na pala uli sa Pilipinas si Joanna Marie,” ani Joel. “May balita ba kayo kay Lemuel?” tanong ni Alejo. Pareho silang umiling ni Amor. “Si Lemuel, siya na ngayon si Criso sa hard court, `di ba, Joel?” “Yes. Sports celebrity na ang kaklase nating iyon,” sagot nito. “Napakinabangan niya `yong galing niya sa basketball.” “Bakit hindi mo sinasabi sa akin?” halos magkasabay na tanong nila ni Amor sa kani-kanilang asawa. “Ting, iba ang appeal ng mga basketball star. Mahirap na, baka mawala pa ang pag-ibig mo sa akin,” pabirong sagot ni Alejo. “Amor, pareho na rin ng sagot ni Alejo ang sagot ko sa tanong mo,” sabi naman ni Joel. “Gano’n?” nakataas ang isang kilay na sabi ni Amor. Nadagdagan ang excitement ni Fatima Mae. “Anyway, dapat lang pala na mag-reunion tayo. Imagine, may classmate pala tayong celebrity!” “Sa December na, ha? Wala nang atrasan iyan,” ani Amor. “Teka!” biglang sabi ni Joel. “Amor, sa December ka manganganak!” “Panganay naman ito. Puwedeng mapaaga o kaya ma-delay.” “Paano kung kailan may reunion tayo, saka ka mag-labor?” “Eh, di dalhin mo ako sa ospital!”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Soldier's Love Montenegro

read
77.7K
bc

The Jerk and The Transgender (Hot Trans Series #1)

read
58.6K
bc

My Secret Agent's Mate

read
122.4K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
253.6K
bc

Mr. Miller: Revenge for Love -SPG

read
316.8K
bc

Mistaken Identity Tagalog Story

read
69.5K
bc

The Last Battle

read
4.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook