DALAWANG ARAW na rin ang lumipas mula nang makabalik kami ni lola mula sa Spain, at iginugugol ko na lang ang aking oras trabaho, na kung minsan'y dinadaan ko na rin lang sa pag-iinom habang nagtatrabaho para lamang kahit paano'y malibang at makabawas sa pangungulila sa aking asawa, kagaya na lang ngayon, umiinom ako habang nagtatrabaho. Tama nga si Jhon, hindi ko nga talaga makikita ang taong aking hinahanap kung sa bawat galaw at hakbang ko'y may taong humaharang, at hintayin na lamang dumating ang tamang araw na kusang muli kaming pagtagpuin ng pagkakataon. Subalit sa tuwing maiisip ko na kung hindi ako kikilos ay baka tuluyan na ngang mawala at hindi ko na mabawi ang aking asawa, na hindi ko naman hahayaang mangyari. Napatungo na lang ako sa lamesa habang nakatukod ang aking dalawan

