VICTOR's POINT OF VIEW PUMASOK na ako uli sa opisina at sinisimulan ko na uling ayusin ang aking buhay, tama nga sila, hindi ko muling makukuha o maibabalik sa akin ang babaeng tunay na nilalaman ng aking puso, ang babaeng aking sinaktan hindi lang isang beses kundi paulit-ulit at ang babaeng aking pinakawalan na umpisa pa lang ay ang babaeng iyon na rin pala talaga ang nag mamay-ari ng aking puso, na hindi ko lang noon napagtanto dahil naging bulag lang ako sa presensya ni Cheska. Marahil nga ay tama si Jhon na umpisa pa lang ay na-challenge lang ako kay Cheska dahil ilang taon ko rin niligawan, ngunit hindi ko nakuha sa isang try kumbaga, kaya nang makuha ko na ito'y para bang naging fullfilment rin sa aking sarili. Subalit hindi talaga si Cheska ang totoong babaeng may hawak ng aking

