MYRA's POINT OF VIEW ONE YEAR HAS PASSED, since ng iwan ako ni Victor at pinili ang babaeng tunay na nag mamay-ari ng puso nito, and seven months na rin ang lumipas mula ng iwan ko ang pilipinas kasabay nang tuluyan kong pagpapalaya kay Victor at sa aking puso. Simula noon wala na akong naging balita kay Victor at kahit sa pamilyang Montemayor, maliban lang kay Kuya Daved dahil sa asawa ito ng aking kaibigan, kaya't hindi maiiwasang magkaron pa rin ito ng kontak sa akin o uganayan. Ang aking mga magulang at mag-asawang Marie at Kuya Daved lang ang nakakaalam kung nasaan ako ngayon, dahil ang mga ito rin ang tumulong sa akin upang makapagsimulang muli at muling buoin ang aking sarili. Seven months na rin ako ngayon dito sa Italy bilang isang nurse sa isang malaking hospital dito. Sobra

