AGAD akong bumaba ng aking kotse at malalaking hakbang kong tinahak papasok, kahit hindi ko pa naii-park ng maayos ang sasakyan. Pagpasok ko'y bumungad sa akin ang aking pamilyang masayang nagkukwentohan, at agad ring natigilan nang makitang agad akong pumasok at napatitig sa akin, marahil ay nagtataka sa nakikitang itsura ko. Hindi ko na naman napigilan ang muling pagpatak ng aking mga luha nang makita ko si Sarah na pumasok sa sala at naghatid ng merienda, dahil muli kong naalala ang mga pasakit na ipinaranas ko sa aking asawa. Kay Myra. Napalingon naman sa akin si Sarah, na agad ring umiwas ng tingin at mabilis na umikot pabalik sa kusina, kaya't agad ko itong pinigilan, dahil sa kagustuhan kong makausap ito at alamin ang mga totoong nangyari nang araw na iyon. "Maupo ka, Sarah." ma

