"Nakakakaba naman 'to," sabi ni Cossie habang inililibot ang paningin niya sa buong lugar. Mabilis lang kaming nakarating sa venue ng festival at totoo ngang malaki ito. Marami ring tao kahit na hindi pa naman nagsisimula ang screening. Nakakalula sa laki ang screen sa harap ng stage. It is an outdoor festival here in La Union. "Ang ganda," namamanghang sabi ko habang inililibot din ang paningin. Kahit na nandito pa lang kami sa parking lot ng mga kotse ay kitang-kita na agad ang litaw na ganda ng festival. Maraming naggagandahang ilaw sa paligid. Hindi naman malamig ang simoy ng hangin dahil nga summer na ngayon, pero saktong hindi mainit at maaliwalas naman lalo na at hapon na. "Wow, ganda ng lugar dito, ah. Parang ang sarap mag-emo," ani Demi bago tumawa. Lumingon siya sa amin

