"Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong ni Darren. Lumapit siya sa akin habang may hawak na tasa ng tsaa at inabot 'yon. Tinanggap ko naman at nagpasalamat sa kaniya. Umupo siya sa upuang nasa harap ko at pinagmasdan ako. Napayuko na lang ako habang may nakatabon sa magkabilang balikat ko na tuwalya. "Gusto mo bang tumawag ako ng doktor?" tanong niya. Umiling ako. "Hindi na, ayos lang ako." "You don't look like you're fine. Namumutla ka at nanginginig." Pinagsalikop ko ang mga palad. Hindi na masiyadong malamig dito sa bahay niya. Binuksan niya rin kasi ang heater, pero hindi pa rin nawawala ang panginginig ng mga kamay ko at kahit ang buo kong katawan. Kahit ang buhok ko ay basa pa rin. "D-Darren," tawag ko sa kaniya kaya nilingon niya ako. "Salamat." Saglit siyang natahimik bago mag

