Chapter 78

1268 Words

Hindi ko alam kung gaano katagal akong nanatili sa loob ng kwarto ko habang nakaharap sa mga nakakalat na papel. Wala sa sariling tumayo ako at kumuha ng isang jacket. Hindi na ako nagbihis pa at nanatiling suot ang puting dress. Wala akong ibang dala maliban sa cellphone at wallet ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero hindi ko kayang manatili sa kwarto na 'to. Pakiramdam ko ay nakakulong ako---nakaka-suffocate---nakakabaliw. Namalayan ko na lang ang sarili na tinatahak ang daan papunta sa sementeryo kung saan kami galing kanina sakay ng isang bus. Napatanaw ako sa labas ng bintana ng bus kung saan ako nakaupo, tinatanaw ang mga taong nagkukumahog sa pagmamadali dahil sa biglang pagbuhos ng ulan. Ang iba ay nag-unahan na sa pagsilong, ang iba ay hinayaan lamang ang sarili na mab

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD