Chapter 27

2328 Words

Nang matapos ang klase ko ng alas dose ay napagdesisyunan kong umuwi na lang muna sa bahay dahil alas kwatro pa naman ulit ang meeting namin sa condo ni Nathan. Well, kadalasan naman, kaming dalawa lang ni Nathan ang tumatrabaho sa script since nasa amin naman talaga ideas at sa production talaga ang role nila Demi. Ayaw ko nang pumunta ro'n nang maaga at baka maistorbo ko na naman ang napaka-healthy niyang sleeping routine. Baka maubos na ang pasensya niya at bigla na lang akong palayasin sa condo niya, 'no. May pagka-neurotic pa naman siya. Umuwi ako sa bahay para makapagpahinga dahil pakiramdam ko ay nadurog ang utak ko sa sunod-sunod naming klase na puro major pa. Ginisa pa kami noong isang prof sa debate class namin. Hindi ko na nga alam kung may sense pa ba ang pinagsasabi namin!

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD