Pasado alas-singko na natapos ang audition at himala na bumalik na sa dating wisyo si Nathan. Mabuti lang, 'no, kundi masasampolan na talaga siya sa 'kin. Kahit pamangkin pa siya ni Sir B! Pagkatapos mag-audition no'ng babaeng Cossie ang pangalan na taga-Comm Arts, himala na bigla na lang umayos si Nathan, at nawala ang pagiging instant neurotic. Well, mukhang pasok sa 'precious' standard niya si Cossie. Mukha ngang amaze na amaze siya sa galing nito sa pag-arte plus pasok din ito sa looks na hinahanap namin. Pero seryoso, ah, magaling talaga siya! Her acting really nailed it! Feeling ko nga nahanap na namin 'yong sinasabi ni Nathan na perfect actor for Sol. Hindi namin natuloy ang audition for Zion's role, since puro babae rin talaga ang mga hinanap namin for the audition kaya ganoon

