Pagbalik ko sa table namin ay naroon na sina Demi at Cossie, pagod na pagod kakasayaw. Dahil malalim na ang gabi ay wild na wild na ang mga tao sa pagsayaw kaya siguro tumigil na rin sila sa pakikipagsiksikan sa dance floor at bumalik na sa table namin. Adrian is still nowhere to be found. Paniguradong may kasama na namang babae ang loko. Nauna na akong bumalik sa table namin kaysa kay Nathan. I don't know where he went, basta ay pinauna niya na ako. Tiningnan ako ni Demi nang maghatak ako ng upuan at naupo roon. Kinuha ko ang bote ng wine bago nagsalin ng kaunti sa wine glass. "Saan ka galing?" takang tanong niya. "Nagsayaw ka rin sa dance floor, 'no? Sabi na, eh, bakit kasi 'di ka pa sumama sa amin." Tumawa na lang ako sa sinabi niya, kahit hindi naman talaga ako galing sa dance fl

