Pasado alas-dos na nang makaramdam na ako ng pagod at p*******t ng ulo mula sa pagkakababad ng mata sa screen. Pakiramdam ko ay wala na rin akong mapipiga pa sa utak ko. Nathan asked me again if I need a help but I immediately declined. He's also doing some papers and I don't want him to even bother doing mine. Kaso sobrang sabog at antok na talaga ako pero kailangan ko 'tong matapos dahil pasahan na bukas. Hindi rin masiyadong maganda ang pakiramdam ko ngayon, siguro ay dahil nalipasan ako ng gutom kanina. "Are you sure that you don't need help? I can help you, babe, so you can rest." "Hindi na. Kaya ko na 'to," muling sabi ko bago napahikab sa antok. Mahina kong sinampal ang sarili para magising ang diwa. Puro typos na itong nalalagay ko. Nang hindi ko na kayanin ang antok ay sagl

