Pagkatapos maayos ang mga gamit at ma-settle ang bills ay agad na rin kaming umuwi. Gaya nga ng sabi ni Nathan ay ihahatid niya kami. Habang hinihintay sina Amethyst sa loob ay nauna na akong lumabas. Kinuha ko ang cellphone nang mag-vibrate iyon kanina, senyales na may pumasok na text. Sumandal ako sa pader ng hallway at chineck iyon. Nakita ko ang isang text mula sa unknown number. From: Unknown number Hey, this is Darren! I got your number from Pat. From: Unknown number Wala, save mo lang for communication :)) Natawa ako sa huling sinabi nito bago sinave ang number niya sa contacts. I saved it under his name, bago nag-type ng reply. To: Darren Okay, noted "Sino 'yan?" Halos mabitawan ko ang hawak na cellphone sa gulat nang biglang sumulpot si Nathan sa gilid ko. Binab

