"Anong sabi ng doktor?" Napaangat ang tingin ko sa nagsalita. Nakita ko si Ate Emily na kararating lang kasama si Amethyst. Narito kami ngayon sa hospital kung saan nagpapa-check up si Mama. Nakaranas kasi ito ulit ng mga sintomas. "Wala pa. Hindi ko pa nakakausap," tanging sabi ko. Umupo sila sa tabi ko at gaya ko ay naghintay rin ng update mula sa doktor na nasa loob ng kwarto sa tapat namin. Nanatili akong nakatitig sa kawalan. Gusto kong matakot at manghina, pero kailangan kong maging malakas. Ilang sandali pa ang lumipas hanggang sa bumukas ang pinto ng kwarto kung nasaan si Mama. Agad kaming napatayo. Lumapit ang doktor at tiningnan kami. "Ano pong balita, Doc?" tanong ko, halos hindi huminga dahil sa kaba. "The symptoms of the patient is still getting worse despite

