Chapter 63

1916 Words

Hinatid ako ni Nathan sa bahay. Bago dumiretso ay dumaan pa kami sa isang coffee shop. He brought us a coffee. Tatlo pa nga, eh. Ang sabi niya ay ibigay ko raw kay Amethyst. He still doesn't know much about my family. Basta kilala niya lang si Amethyst na masungit kong kapatid. Tarayan ba naman ako noong naroon siya. He was actually shocked that time, pero tinawanan ko na lang. Hindi na yata lilipas ang araw sa buhay ko na hindi iniirapan ni Amethyst. Pagpasok ko sa loob ng bahay ay naabutan ko si Amethyst na pababa sa sala. Dinaanan niya lang ako ng tingin bago nilagpasan at dumiretso sa kusina. Umupo ako sa sofa at nilapag ang bag. "Oh, ano na namang nangyari sa 'yo. Mukha kang minalas diyan." Nginisian niya ako. "Deserve." Inirapan ko siya. "Pagod ako. Lalagnatin yata ako..."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD