Hindi ko alam kung gaano katagal na akong nakatambay sa bench kung nasaan ako. Basta't pinapanood ko lang ang mga tao sa paligid, ang langit na kahit tanghaling tapat ay hindi ganoon kaliwanag at ang malakas at kalmadong hampas ng hangin, habang umiinom ako ng soda. Kasalukuyan akong naka-indian sit at nagsa-sound trip. Tumigil ang kantang nag-p-play sa cellphone ko nang bigla iyong mag-ring. Tumatawag si Nathan. I heaved a sigh before picking up the phone. "Hello?" "Where are you?" bungad na tanong niya. "Sunken. Why?" "Just stay there and wait for me." Nagtaka ako. "Bakit? Don't you have a class?" "Tapos na. Just wait there." "Oh, okay..." tanging naiusal ko. Nang tingnan ko ang cellphone ay binaba niya na ang tawag. Kumunot ang noo ko at tiningnan ang oras. Alas-dos pa la

