Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Sinalubong ako ng nakakasilaw na liwanag at ng puting kisame. Naikunot ko ang noo ko bago muling napapikit. Ang ulo ko ay parang binibiyak dahil sa sobrang sakit at kahit nahihilo ay pinilit kong bumangon mula sa pagkakahiga. Kahit ang buong katawan ko ay tila namamanhid. Nilibot ko ang paningin sa buong paligid. Pinaghalong puti, grey at iba't-ibang kulay ng brown ang mga pader at dekorasyon sa paligid. Ang kwarto kung nasaan ako ngayon ay halos walang laman. Kaunting displays sa isang cabinet kung nasaan ang isang salamin. Isang malaking cabinet, isang maliit na sofa at side table na nasa tabi ng isang double sized bed. Tiningnan ko ang mga kamay ko na halos walang kulay at namumutla. I'm still wearing the last clothes I remember. Naka

