Walang kasimbilis ang pagpapatakbo ni Darren sa kotse. Mabuti na lang at hindi ganoon kabigat ang traffic kaya agad din kaming nakarating sa hospital. Halos takbuhin ko ang daan papunta sa emergency room, walang pakialam sa mga taong nakakabungguan. Paulit-ulit akong humingi ng sorry pero tuloy pa rin sa pagmamadali sa paghahanap dahil sa lawak ng pasilyo. Natigilan ako nang makita sina Amethyst na nasa labas ng isang kwarto, kasama niya sina Ate Emily at Talia, pare-parehas silang umiiyak at nakayuko sa kinauupuan. "A-Ate..." lumuluhang tawag ni Amethyst nang makita ako. "A-Anong nangyari?" utal na sabi ko. Hindi niya nakasagot at mas lalo pang napahagulgol. Hindi ko na napigilan pa ang sarili na maiyak at matulala sa kawalan. "Nakausap ko si Mama. Kausapin mo na siya, Ate Ascella,

