Tatlong araw ang mabilis na lumipas pagkatapos ng huling pag-uusap namin na iyon ni Nathan. That was our biggest fight ever since we were in a relationship. Dala ng frustration at sobrang pagod ay hindi ko na siya nagawa pang kausapin ulit pagkatapos no'n. Binuhos ko na lang ang lahat ng oras ko sa ibang mga bagay na kailangan kong gawin at inabala ang sarili. Nathan didn't talk to me as well. Isang text lang ang natanggap ko sa kaniya noong araw na iyon, at hindi na muli pang nadagdagan. Ni hindi siya tumawag sa akin at hindi na rin kami nagkikita pa sa campus. Hindi na ako nag-abala pa na mag-first move para muli kaming magkaayos. Masiyado akong abala sa mga bagay na kailangan kong gawin. Gusto ko rin munang magpahinga para sa sarili ko. I know that Nathan and I need this. Siguro

