Chapter 59.1

2412 Words

"Goodbye, Sir!" bati ng ilang mga kaklase ko nang lumabas na ang professor namin para sa huling subject, pero pagkatalikod na pagkatalikod nito ay agad silang nagbulungan. "Ano ba 'yan, hindi pa naman ganoon kalapit ang finals, dami niya na agad hanash. Siya kaya pag-report-in natin ng ganoon kahaba," dinig kong reklamo ng isa. Umirap ang kaibigan niya. "Para namang 'di pa kayo sanay kay Sir. Eh, ganiyan naman na talaga 'yan buong taon." "Eh, mas marami naman kasi 'yong ngayon," dagdag pa ng isa. "Pinaglihi yata 'yang si Sir sa sama ng loob kaya ganiyan, eh," sabat ng isang lalaki. Napailing-iling ako habang inaayos ang mga gamit ko. Nakatalikod ako sa kanila pero dinig na dinig ko ang pag-uusap nila. Natawa ako sa sarili. Dati naman kapag ganoon ay isa ako sa mga nagrereklamo.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD