Halos isang oras akong nakatulog dahil sa pagod buong maghapon. Ginising ako nila Jai at sinabing sabay-sabay na raw kaming magpunta sa resto bar. Inayos na rin namin ang mga gamit namin para kaunti na lang ang aayusin namin mamaya at diretso alis na paggising ng madaling araw. "Nasaan ba si Cossie?" tanong ko habang nag-aayos ng sarili. "Hindi ko nga rin alam kung saan pumipirmi 'yon," naiiling na sabi ni Jai. Sa totoo lang kasi ay halos hindi ito nag-i-stay sa hotel room namin. Hindi ko alam kung saan ba ito nagsusuot at palagi na lang wala rito. Pagkatapos mag-asikaso ay agad na rin kaming dumiretso sa napag-usapang resto bar. Pagdating namin doon ay naroon na silang lahat maliban kay Sir B na papunta raw. Umupo ako sa tabi kung saan umupo si Jai. Tumabi naman sa akin si Kie

