Nang tuluyang makaalis si Nathan ay agad na rin akong pumasok sa loob ng bahay. Paakyat na sana ako sa kwarto nang makasalubong ko si Mama na pababa, dala-dala ang paper bag na pinabigay ni Miss Lhou. "Aayusin ko muna ang mga 'to. Napakabait naman ni Miss Lhou. Huwag mong kakalimutang magpasalamat sa kaniya kapag nagkita kayo ulit," mahabang sabi niya. Bahagya naman akong napangiti nang makita ang nakangiti niyang mukha. "Opo," sagot ko at tumango. Tutuloy na sana siya sa paglalakad nang muli ko siyang tawagin. "Ma. Ano pala 'yong binigay n'yo kay Nathan?" Hindi kaagad siya nakasagot sa sinabi ko. Mayamaya ay ngumiti lang siya. "Mga lumang script lang. 'Yong mga matatagal ko nang tinatago riyan sa baul." Nagulat ako sa sinabi niya kaya kunot-noo ko siyang tiningnan. "Bakit mo naman

