Naglakad ako papunta sa mga shelf ng libro para maghanap ng babasahin. 'Yong may touch of romance naman sana para magkaroon ako ng pasensya ngayon sa isusulat namin para sa ending. Maraming libro dito sa main library. Tipong nakakalula ang bawat shelf. Hindi mo tuloy alam ang huhugutin mo. It took me minutes of wandering, checking the books (tapos minsan ay inaamoy pa). The smell of books is so satisfying, mas mabango pa sa mamahaling perfume ni Nathan. Naglibot-libot pa ako habang aliw na aliw sa dami at nagkakapalang libro, hindi na napapansin ang paligid. "Oh, familiar sa 'kin ang book na 'to, ah," bulong ko sa sarili habang nakatingala sa librong nasa mataas na shelf. Nang subukan kong abutin iyon ay hindi ko naman maabot kahit na tumingkayad pa ako. Nang hahawakan ko na sana i

