Tahimik lang kami buong byahe pauwi galing Antipolo, ni hindi ko siya magawang lingunin. I tried to sleep to ignore all of my frustrations and stop the thoughts that are running inside my head, but I couldn't sleep. I feel like I'm going crazy. As f*ck. Tiniis ko ang lamig at hampas ng hangin na galing sa bintana ng kotse. Medyo masakit at mahapdi sa balat ang lamig nito, pero wala naman na akong pakialam. Mas maganda nga iyon. Ang mamanhid sa lahat. Sa lahat-lahat. Natauhan lang ako sa pagkatulala nang ihinto niya ang sasakyan. Saka ko lang namalayan na nakarating na kami sa lugar namin, hindi kalayuan sa tapat ng gate ng bahay. Ilang sandali kaming natahimik at walang gumagalaw. Nang hindi ako bumaba agad ay pinatay niya ang makina ng kotse. Napabuntong-hininga ako sa sar

