Pasado alas-dos nang madaling araw nang magising ako. Hindi ako makatulog nang maayos. Sa totoo lang ay pagod na pagod na ang katawan at utak ko. Sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko ay paulit-ulit na nag-re-replay sa utak ko ang boses ng lalaking tumawag sa numero noong nakaraang araw. Pilit kong sinasabi sa sarili na wrong number nga lang talaga iyon. Hindi ko kilala ang tumawag. Hindi rin ako sigurado sa boses nito, pero panlalaki at mukhang may edad na rin. I don't know who owns the voice. Pero sinabi niyang... siya raw ang tatay ko. Kalokohan. Si Papa? Tatawag sa akin ulit? At para saan pa? Para manggulo? That can't be him. That should not be him. Nakalimutan na naman siya, wala na siyang karapatang bumalik. Sa sobrang dami ng gumugulo sa isip ko, hindi ko alam kung p

