"Aeron, thanks for everything. Kahit sa kahuli-hulihang sandali ng buhay mo, naisip mo pa rin ako. Maraming salamat. Kahit na mahirap pa ring tanggapin na wala ka na, alam kong masaya ka diyan sa langit. Bantayan mo na lang kami mula diyan," sabi ko habang nakatingin sa puntod ng crematorium kung saan naroon ang labi ni Aeron. Huling hiling rin ni Aeron na ilibing ang kanyang abo sa Pilipinas. Inamin sa akin ng donya noong araw na pumunta siya ng bahay ni Nikki na labag sa kalooban niya ang nasa last will ni Aeron. Kaya daw natagalan siya bago nakapagdesisyon na bumalik ng Pilipinas at iuwi ang abo ni Aeron. Inuusig daw siya ng kanyang konsensya. Ilang araw siyang hindi pinatulog hanggang sa magdesisyon siyang sundin ang nilalaman niyon. Nagulat pa ako nang umiiyak siyang mag-sorry sa aki

