"Sobrang nakakaimbyerna siya!" gigil na sabi ko habang pinapaypayan ng kamay ko ang aking sarili. Hindi ako makahinga sa galit. "Nikki, tama na iyan. Ikaw naman kasi talaga ang may kasalanan e. Inasar mo masyado si Dan," sabi naman ni Giselle. Nilingon ko siya na nanlilisik ang mata. "Kinakampihan mo ba siya?" "Ha? Hindi!" tanggi niya kasabay ang pagkaway ng dalawang kamay. "Sinasabi ko lang naman na hindi mo dapat sinubukan ang pasensya ni Dan." "Mas okay na nga ang ginawa ko, atleast nalaman natin ang totoong ugali ng babaeng iyon. Naging sila lang ni Allena, iba na siya umasta. Sabi ko na nga, may hidden agenda lang iyan kaya sumama sa atin noon. Plastic! Kakagigil!" Nanginginig pa rin ang mga kalamnan ko sa inis. Naku, kung hindi siguro ako umalis doon ay baka nasakal ko na ang bab

