Pinuntahan namin si Nikki sa canteen at lumapit kami sa lamesa kung saan sila kumakain kasama si Giselle at ang isang hindi ko kilalang lalaki. Kasama ko naman si Dan na may hawak ng aming pagkain. Miryenda time na kaya ito na rin ang pagkakataon para magkausap kami. Sana lang hindi magkagulo tulad kanina. "Hello sa inyo, puwede ba kaming makiupo?" nahihiyang tanong ko sa kanila. Naglingunan naman silang lahat sa amin. Nakataas ang kilay ni Nikki samantalang si Giselle at ang lalaki ay nakangiti sa amin. Tumayo pa nga ang lalaki at nag-alok ng upuan sa amin. "Sure. Halika, dito ka maupo," sabi pa ng lalaki kay Dan na pinaghila pa ito ng upuan. Inismiran lang siya ni Dan saka ako sinenyasan na umupo sa inalok na upuan nito. Nag-aalangan naman akong tumingin kay Nikki na hindi naman kumi

