Chapter 49

2020 Words

Mahigit dalawang buwan na mula ng magtrabaho ako sa restaurant nina Sir Aeron. Maayos naman ang naging trabaho ko dito pati na rin ang pakikisama ng mga kasamahan ko. Lahat sila ay kasundo ko maliban kay Carol na parang biglang nagbago pagkatapos ng tatlong araw kong pagtatrabaho. Parang ang bigat ng loob niya sa akin. Parang lagi siyang galit. "Bilis-bilisan mo ang kilos mo diyan, Allena. Maraming customer, babagal-bagal ka!" sigaw sa akin ni Carol. Hindi naman talaga mabagal ang kilos ko. Ang totoo, naisu-supply ko naman lahat ng kailangan ng mga chef. Nagagayat ko ng mabilis ang mga ingredients na kailangan para sa putaheng lulutuin pero kulang pa raw ang bilis ko. Ano ako robot? Naku, kung hindi lang malaki ang utang na loob ko kay Sir Aeron, pinatulan ko na ang babaeng ito. "Ito na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD