"Are you excited on your real first day?" tanong ni Aeron sa akin. Kahapon kasi, practice lang iyon kaya itong araw na ito talaga ang umpisa ng tunay kong pagtatrabaho bilang assistant chef. Ilang oras na lang at out ko na sa company tapos didiretso na ako sa restaurant. Nilapitan ako ni Sir Aeron matapos kaming kumain. Alam kong nakatingin na naman ang lahat ng tao sa amin dahil kasama ko ang CEO ng kumpanya na para bang tropa ko lang kung ituring pero hindi ko na lang iniintindi. Wala rin namang maglakas ng loob na magtsismis sa amin dahil mula ng warningan ni Sir Aeron si Fiona ay marami na ang natakot. Ayaw nilang mawalan ng trabaho. Tumango ako kay Sir Aeron. "Oo at medyo kinakabahan din." "Huwag kang kabahan, alam kong kaya mo iyan." "Salamat sa suporta. Huwag kang mag-alala, hin

