Nahihirapan akong magdesisyon kung magre-resign na ba ako sa kumpanya o hindi? Noong una, desidido na akong mag-resign pero nang makita ko ang reaksyon ni Nikki, parang biglang nagbago ang isip ko. Parang hindi ko rin kayang malayo sa kanya. Nasanay na akong nakakasama ko siya sa company pati na rin sa bahay. "Is there any problem, Allena?" tanong sa akin ni Aeron habang nasa sasakyan kami. Ihahatid na naman niya ako sa restaurant. Ilang beses ko na siyang tinanggihan tungkol dito pero lagi niyang ipinipilit ang sarili niya na ihatid ako. "Wala naman," malungkot kong saad. "You look sad and also your voice, it seems you're not in a mood." Bumuntong hininga ako. Kailangan ko iyon para mabawasan ang bigat ng pakiramdam ko. "Si Nikki kasi." "Bakit? Hindi pa rin ba kayo bati?" tanong niya

