Pumayag na akong magpaligaw kay Aeron mula ng araw na tulungan niya ang dalawang batang pulubi. Talagang humanga kasi ako sa kabutihan ni Aeron. Hindi lang niya pinagamot ang bata, binigyan niya pa ito tirahan. Matapos ang operasyon kay Mico ay dinala siya ni Aeron sa kanilang foundation kung saan dito ay maaalagaan ng husto ang dalawang bata. Halos araw-araw din namin silang dinadalaw roon at masaya ako tuwing nakikita sila sa maayos na kalagayan. "Ate!" tuwang-tuwang sigaw ni Mica habang tumatakbong palapit sa akin. Mabilis niya akong niyakap. "Kumusta?" agad kong tanong matapos ko siyang gantihan ng yakap. "Okay na okay po kami dito. Masayang-masaya rin po ako dahil hindi na kami namamalimos ni Kuya. Nakakakain na rin po kami ng maayos dito." Napansin ko nga na bumilog na ang mukha

