Chapter 33

2312 Words

"Kumusta si Dan?" tanong ko kay Jayrus. Sabay-sabay kaming kumain ng lunch sa canteen. Kasabay namin si Nikki at Giselle. "Pinalayas niya ako kagabi. Ayaw talaga niya akong makita. Pero ang alam ko, na-discharge na siya kanina. Gusto ko nga sanang ako ang maghatid sa kanya pauwi pero ayaw niya kaya pumasok na lang ako," malungkot na pahayag ni Jayrus. Naaawa talaga ako sa kanya. Kahit anong pilit niya, ayaw talaga siyang tanggapin ni Dan. "Ikaw pa rin ang hinahanap niya, Allena," dugtong pa niya bago sumubo ng pagkain. "Alam ko," mahinang tugon ko. Sa totoo lang, halos sumabog na ang cellphone ko sa dami ng missed call at text ni Dan. In-off ko na nga lang para hindi ko na makita pa. Hindi ko rin kasi alam kung paano ko siya rereplyan. Lalo lang siyang masasaktan kung magre-reply pa ako

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD