"Dan, wait!" Inabutan ko si Dan at hinawakan sa braso. Humarap naman siya sa akin. "Let me go, Allena," mariing sabi niya hawak ang aking kamay na napigil sa kanyang braso. "No. Mag-usap tayo," giit ko. "Wala ako sa mood. Pagod ako," sabi pa niya. Feeling ko iniiwasan lang niya ako. Kumirot ang dibdib ko at nangilid na ang luha ko. "Allena, uwi na rin ako." Napalingon kami kay Jayrus. Nginitian ko lang siya pero si Dan parang umiiwas din ng tingin sa kanya. "Dan, uwi na ako." Hindi sumagot si Dan kaya ako na lang ang sumagot, "Ingat, Jayrus." Tumango lang si Jayrus sa akin saka tumingin kay Dan bago tuluyang umalis. "Alis na ako, A. Bukas na lang tayo mag-usap." Humalik si Dan sa pisngi ko bago tuluyang umalis. Hindi ko na siya pinigilan kahit pa nasasaktan ako. Gusto ko siyang pili

