"Jagiya, jagiya! Buwisit!" inis na inis na sabi ko nang marinig ko ang usapan nila sa cell phone. Hindi alam ni Allena na pagkatapos kong mag-walk out, hindi agad ako pumasok sa kuwarto ko. Narinig ko pa na nagsinungaling siya na masaya raw ako na malaman na sila na ng koreanong hilaw na iyon. Masaya? Hindi niya alam na nasasaktan ako dahil mayroon na naman siyang iba. Manhid ba siya? "Anong pinuputok ng butsi mo diyan?" tanong ni mudra na biglang nagpatalon sa akin dahil sa sobrang gulat. Napahawak tuloy ako sa aking dibdib. Muntik na akong atakihin sa puso. "Mother naman, bakit ka ba nanggugulat?" inis na tanong ko. "Hindi naman ako nanggugulat. Talaga lang busy ka sa pasilip-silip diyan. Bakit ba? Sino bang sinisilip mo diyan?" tanong pa niya habang nakasilip din sa tinitingnan ko k

