"Magpapanggap ulit tayo?" nagtatakang tanong ko kay Nikki. Parang biglaan kasi ang sinasabi niyang pupunta si Tito Nicandro sa bahay. Busy na tao si Tito at halos wala na nga itong oras tumawag sa amin. "Oo, 'di ba? Nagpapanggap tayo kapag nandiyan si Papa?" sabi pa niya. Hindi pala alam ni Nikki na matagal na ring alam ni Tito na nagpapanggap lang kami. "Nikki, hindi na natin kailangan pang magpanggap," sabi ko pa. "Ha? Bakit naman? Gusto mo bang malagot ako sa Papa ko kapag nalaman niyang beki pa rin ako at hindi talaga tayo kasal?" Takot na takot na sabi niya. "Hindi ka malalagot sa kanya." "Parang sure na sure ka a," sabi niyang nakataas ang kilay. "Sure talaga ako. 100%." "Paano ka naging sure?" "Kasi po, noong unang araw palang nating nagpapanggap, alam na ni Tito na fake a

