"I love you more... than friend," pabulong na sabi niya. Bumitiw ako sa pagkakayakap at tiningnan siya. "Anong sabi mo?" tanong ko pa. "Wala. Nabibingi ka na naman. Tara na nga, yayain natin ang jowa mo mag-kwek-kwek. Miss ko na ang street foods e," sabi niya sa akin sabay abrisyete sa braso ko. Kinaladkad niya ako papunta sa kinaroroonan ni Aeron. "Sir!" tawag niya kay Aeron habang mahinang kinakatok ang wind shield ng sasakyan. Binuksan naman ni Aeron iyon. "Baba ka diyan, Sir. Kain tayo ng kwek-kwek." "Bati na kayo?" tanong pa ni Aeron na hindi yata naintindihan ang sinabi ni Nikki. "Yes, Sir. Kaya we have to celebrate. Let's eat kwek-kwek," masiglang sabi pa ni Nikki. Kumunot naman ang noo ni Aeron. "What is kwek-kwek?" "Come on down and I'll introduce you to Manong Kwek-kwek,"

