Christmas eve. Bakas ang saya sa mukha ng lahat. Masaya silang namimili ng mga regalo at namamasyal kasama ang mga mahal nila sa buhay. Ako naman, kasama ko si Aeron. Katatapos lang naming mag-last minute shopping. Pauwi na kami sa bahay nila. Napagkasunduan kasi naming doon mag-celebrate ng Pasko. Doon kami ng alas dose ng gabi tapos ay pupunta na kami sa bahay ni Nikki para ituloy ang Christmas celebration. Ito din ang araw na pormal akong ipapakilala ni Aeron sa kanyang ina. Sobrang kinakabahan ako. Nanginginig at pinagpapawisan ang aking mga kamay. Hinawakan naman ni Aeron ang aking kamay at bahagyang pinisil. Nginitian pa niya ako pampawala ng kaba. "Don't be nervous. Nag-usap na kami ni Mamà." Tumango naman ako at ngumiti pagkatapos ay nagpakawala ako ng malalim na buntong hinin

