“Ikaw ba talaga iyan, Nicholas?” paniniguro ko. "Sampalin kaya kita diyan. Tinawag mo na naman ako sa pangalang iyan, ang sagwa!" reklamo pa niya bago tumabi sa akin at pinayungan ako pero maya-maya ay ibinaba rin niya. Nabasa rin tuloy siya. "Mababasa ka," nag-aalalang sabi ko. "Basa ka rin naman kaya patas lang tayo," balewalang sabi niya saka ngumiti. Ang ngiting iyon ang biglang nagpaaliwalas sa nararamdaman ko. Gumaan kahit konti ang pakiramdam ko. Matagal ang katahimikan bago niya ulit basagin iyon. "Sabi sa isang pelikula, kung nabasa ka na ng ulan, i-enjoy mo na lang. Tara, ligo tayo." Hinila niya ang kamay ko at nagtatakbo siya paikot sa park habang malakas ang buhos ng ulan. Para siyang batang naglalaro sa ulan. Nagsa-shower siya sa alulod ng bubong ng pavilion na naroon. T

