Nagulat ako nang biglang tumayo sina Nikki at Giselle. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa makalabas ng restaurant. Ano kayang problema noon? "Is there something wrong with Nikki?" tanong ni Aeron sa akin. Kumibit balikat naman ako at itinuon ang atensiyon ko sa aking kinakain. "Sir Aeron, bill po ng kaibigan ninyo," sabi ng waiter sabay abot ng resibo kay Aeron. Kumunot naman ang noo ni Aeron saka tiningnan ang iniabot ng waiter. "Who's friend?" tanong pa niya. "Iyon pong nakaupo dito at umalis," nag-aalalang sabi ng waiter. "Sige, ako na ang bahala dito. Go back to your work," sabi na lang ni Aeron saka ibinulsa ang resibo. "Bill ba iyan nina Nikki?" tanong ko sa kanya. "Yes," tipid niyang sagot. "Naku, nakakahiya talaga ang baklang iyon. Sa'yo pa talaga pinabayaran lahat ng

