Chapter 41

2133 Words

"Hindi ka pala marupok a, tingnan natin," mahinang bulong ko sa sarili habang nakatingin kay Allena sa hindi kalayuan. Nakasakay ako sa tricycle kasama si Giselle. Pasakay pa lang si Allena sa kotse ni Sir Aeron. At talagang inaalalayan pa siya nito. Pa-gentleman effect, if I know, paandar lang niya iyon para mapasakay si Allena tapos sa huli iiwan at paiiyakin din naman. "Hoy, bakit ayaw mo pang paandarin ni Kuya ang sasakyan? Kanina pa naghihintay o," sabi ni Giselle sabay turo sa tricycle driver. Tumingin naman ako sa medyo may edad nang lalaki na nakaporma na sa kanyang motor at naghihintay na lang ng senyas ko para umalis. Hindi na siya nagsakay ng iba dahil sabi ko aarkilahin ko siya. "Matuto siyang maghihintay, babayaran ko naman kahit ang paghihintay niya," mataray kong sabi saka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD