Chapter 40

2031 Words

"Date?" ulit na sambit ko. Napangiwi ako. Hindi ko kasi talaga alam kung anong dapat kong sabihin. Sino ba naman ako para yayain ng isang CEO? "Yes. A date. Ito lang ang favor na hihingin ko sa'yo tutal sabi mo babawi ka sa akin because of what happen last night," nakangiti pang sabi niya. "Puwede bang ibang favor na lang?" nahihiyang tanong ko. Kumunot ang noo niya. "Anong ibang favor?" "Puwede bang ipagluto na lang kita ng favorite food mo? Iyon na lang kabayaran sa ginawa namin sa'yo ni Nikki." Sunod-sunod siyang umiling. "Oh no, no. This time I don't want you to cook for me, maybe next time." Mukhang nadalá na yata siya sa niluto ko kagabi. Siguro iniisip niya na masusuka ulit siya sa luto ko kaya ayaw na niyang magpaluto. Baka nga isinusumpa na niya ang araw na pinagluto ko siya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD