Chapter 39

2086 Words

"Bye, Sir," nakangiting sabi ko kay Aeron nang makasakay na siya sa kanyang sasakyan. Kumaway pa siya bago tuluyang umalis. Bumuntong hininga ako ng malalim bago pumasok sa loob ng bahay. Kanina pa ako nagtitimpi. Kanina ko pa gustong komprontahin si Nikki dahil sa ginawa niya kay Sir Aeron. "Nikki!" mariing sambit ko sa pangalan niya. Nakapamewang ako at nanlalaki ang mga mata sa kanya. "What?" Parang walang alam kung umasta ang baklang ito. "Don't play innocent, Nikki," gigil na sabi ko. "Grabe ka na!" "Ano bang ginawa ko?" tanong pa niya. Pinaninindigan talaga niya ang pagiging inosente niya sa nangyari. "Kanina nagpabili ka ng atay balunan tapos pinaluto mo sa akin. Pinalagyan mo pa ng sili at pinakain mo kay Sir Aeron." "Bakit ako ang sisisihin mo? Kasasabi mo lang na ikaw ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD