"Hoy babaeng pinaglihi sa higad. Wala ka ba talagang sinasanto?" Nakataas na naman ang kilay ni Fiona sa akin nang lumapit siya sa puwesto ko. Naka-cross arm pa siya. "Ano na naman bang problema mo, bruha ka?" tanong naman ni Dan. Automatic na pinagtanggol niya ako laban sa babaeng inggetera na ito. Tumayo siya at namewang sa harap nito. "Huwag ka ngang mag-astang knight in shining armour ng babaeng ito dahil alam naman natin na wala na kayong dalawa. Kaya nga nagpapa-cute na ang babaeng ito sa CEO pa ng kumpanyang ito. Wala na talagang kahihiyan." Nagpanting naman ang tenga ko at napatayo rin ako sa kinatatayuan ko. "Kung walang lalabas na matino diyan sa bibig mo, puwede bang itikom mo na lang?" inis na sabi ko. "Bakit? Nasasaktan ka ba? Sabagay, kasi totoo. Pagkatapos mong pumatol

