Uwian na. Pinuntahan ko si Allena sa puwesto niya. S'yempre tulad ng sabi ko, sasabay ako sa kanila ni Aeron. Mabuti na ang may chaperone si Allena, baka mamaya atakihin na naman siya ng karupukan niya. "Ano? Tara na?" sabi ko kay Allena sabay hila sa kamay niya. Tapos na rin naman siyang maglinis sa kanyang puwesto at handa na ring umalis. "Excited ka rin a," sabi niya sa akin. "S'yempre naman. Minsan lang ako makasakay ng kotse." Tuloy-tuloy lang ang paglalakad ko hanggang sa makarating kami ng locker. Naghiwalay muna kami sandali para kunin ang mga gamit namin pagkatapos ay sabay na kaming lumabas. Nagpa-frisking muna kami sa guard bago tuluyang lumabas ng company. Nakita ko na agad si Aeron na nakasandal sa kotse niya. Ngiting-ngiti siya habang nakatitig kay Allena. Ang guwapo niya

