Chapter 36

2064 Words

Hanggang ngayon hindi pa rin ako mapakali. Hindi talaga ako pinatulog ng nangyari sa amin ni Nikki. Napuyat tuloy ako. Hanggang ngayon inaantok pa ako. Napahikab ako. "Mukhang hindi ka nakatulog a," sabi ni Dan sa akin. Sa wakas pumapasok na rin siya. Ilang araw din siyang hindi nakapasok dahil sa nangyari sa kanya pero buti na lang at okay na siya. Nagkausap na rin ulit kami at naiintindihan daw niya ako kung bakit pinipilit kong tanggapin niya si Jayrus, iyon nga lang hindi pa rin niya talaga kayang gawin iyon. Tuloy-tuloy pa rin ang pagsuyo sa kanya ni Jayrus. Nakakatuwa naman dahil talagang pursigido si Jayrus na mapasagot si Dan. "Medyo lang," sabi ko na lang. "Bakit? May problema ka ba?" "Ha? Wala naman." Wala naman talaga dahil hindi ko alam kung problema nga ba itong nasa isip

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD