Agad akong nagpunta sa aking kuwarto. Umupo ako at humarap sa salamin. Panay ang paypay ko sa aking sarili. Para akong sinisilaban. Ang init ng pakiramdam ko. Biglang nag-flashback sa isip ko ang muntik na naming paghahalikan ni Allena. Oh my God! My virgin lips! Malalapatan ng marupok. Hinawakan ko ang aking labi at bigla ko na lang ulit na-imagine na lumapat nga dito ang labi ni Allena. Mukhang masarap. Sana natuloy. "OMG! Naloloka na yata ako. Bakit ba paulit-ulit ko iyong naiisip? Erase! Erase! Tandaan mo Nikki, isa kang beki. Lalaki ang gusto mo at hindi isang marupok na babae," sabi ko sa aking sarili. "Bakit mo pa pinipigilan ang iyong sarili kung talagang iyon ang nararamdaman mo?" Halos atakihin na ako sa gulat nang biglang sumulpot si mudra sa likuran ko at magsalita. Wala ma

