"Salamat sa Diyos, gising ka na," sabi ko kay Dan nang makita kong idinilat niya ang kanyang mata. "Allena," sabi niyang nakangiti. "Akala ko ay tuluyan mo na akong iniwan." "Bigla kang hinimatay kanina kaya dinala kita dito. Kahit galit ako sa'yo, may concern pa rin naman ako sa'yo." "Salamat, A." Hinawakan niya ang aking kamay at bahagyang pinisil. "May kasama nga pala ako," sabi ko saka lumingon sa aking likuran. Nagpakita naman kay Dan si Jayrus. Nanlaki ang mga mata ni Dan sa gulat. "Kumusta, Dan?" tanong sa kanya ni Jayrus. "Bakit ka nandito?" inis na tanong ni Dan. "Tinawagan ako ni Allena. Sinabi niyang sinugod ka raw dito sa hospital. I'm worried about you." "Hindi ko kailangan ang pag-aalala mo," mataray niyang tugon. "Umalis ka na!" "Hindi ako aalis lalo na ngayong alam

